Friday, June 23, 2006

nora jones




wala

Thursday, March 09, 2006

Sila

Nakangiti ang araw na bumati sa akin
mainit ang pagtanggap ng bagong umaga
nagpapahiwatig na nais niyang ako'y
ngumiti rin
marahan ang hanging humahaplos
sa aking balat
malamig ang pagyakap ng panahon
na kumakalma sa damdaming hinamak
amg matamis na pagbulong ng simoy
ang nagpapatahan sa mga matang
walang tigil sa pagluha
nagsasabing kalimutan na lamang
ang mga mapagkunwari
sa nagdaang panahon
at kailan man
hindi nila ako masasaling
hindi nila ako kilala
mabuti na lamang at nariyan sila
upang ipaalalang
walang dapat ipagkabahala


Nagbalik na si AMARANTH

Tuesday, May 17, 2005

Bleacher

bleacher
Gusto kong bumalik ng CLSU
at tumambay sa bleacher
Gusto kong tumingala sa langit
at sumulat ng tula para sa iniibig
Gusto kong sumayaw saliw ng
marahang ihip ng hangin
at umawit kasabay ng himig
ng mga ibon doon
Gusto kong matulog sa mga tabla
niyang nilipasan na ng kanyang
kabataan
Gusto kong balikan ang mga alaalang
iwinaksi ng panahon
Gusto kong bumalik sa pining niya't
malayang padaluyin ang mga luhang
matagal nang nagpapsikip
sa aking dibdib
Sana sa aking pagbabalik,
naroon pa siya
Upang ako'y yakapin
sa kanyang kanlungan

Tuesday, May 10, 2005

Paano Ba Nagsimula Ang Lahat?

fudge cafe

Sa isang sulok ng EspaƱa
ika'y natagpuan...
Ika-14 ng Pebrero
Bandang alas-8 ng gabi
Ang araw kung kailan nagdiriwang
ang mga pusong nagmamahalan

Doon kita unang nakita
Nun kita unang nakita

Napasulyap ng tipahin mo
at kantahin
ang isang pamilyar na kanta
pasensya na kung naging makulit
ako ha?
Sa Rosas ng Digma nagsimula ang lahat

Ilang araw din ang nakaraan
na hindi kita nakikita
Sino ka ba naman para isipin ko
at umasang makikita kang muli?

Nang muli kang masulyapan,
hindi ko inakalang mas masaya pala
'pag nakausap na kita

"kuya!"
Kuya? Yun pala ang tawag ko sa'yo nun?
Eh kasi naman, ni pangalan mo
hindi ko alam.
Pasensya ka na kung naging makulit
ako ha?

Sinikap kong makuha ang pansin mo
pero wala pa rin
Sinikap kong ipadama sa iyo
pero wala parin
Ginawan pa nga kita ng tula
pero wala pa rin
Ang mga sulyap ko'y halos naging titig na
pero wala pa rin
Ewan ko ba? manhid ka 'ata?

Ah alam ko na...
"kuya, kunin ko number mo ha?"
"Ayun.."
"Ayus.."
"Hehe.."
"Ala lang.."
"Astig.."
"I'minlovewithyou"
smokin

Monday, May 09, 2005

Mahal

Mahal,
patawad kung ika'y naguluhan sa aking pagdating
Hindi ko nais na agawin
ang iyong pagtingin sa iba.
Ano nga bang nagyari at biglang
nahulog ang loob ko sa iyo?
Na sa isang iglap,
ika'y minahal at umasa na ring
ako'y mamahalin mo

Mahal,
ipagpatawad mo kung
nakuhako ang loob mo
Hindi ko sinasadyang makula
ang pahmamahal mo
Ngunit sa kabila ng lahat,
Ako'y nagpapasalamat
na ikaw ay dumating sa buhay ko.


mahal at ako